Mga Kababayan ko, nandito ako ngayon sa inyong harapan upang bigyang halaga ang pagiging Pilipino ko. Bago ko po sisimulan ang Talumpati, gusto ko po munang sabihin sa inyo na ipinagmamalaki ko ang pagiging Pilipino kahit na tayo ay may hinaharap na problema at yun ay ang pagmamalupit ngayon sa atin lalong-lalo na ng mga dayuhan dahil sa kontrobersyal na Hostage Taking sa Maynila noong Agosto 23.
Ang pagiging Pilipino ay isang dangal dahil marami tayong kababayan na hinahangaan ng lahat ng tao sa mundo. Kagaya na lamang nina: Charice, Manny Pacquiao, Arnel Pineda, at Lea Salonga. Sila ang ilan sa mga Pilipinong hinahangaan ng mga dayuhan. Pero.., bakit ngayon ay galit na galit sila sa atin? Dahil nga ba iyon sa kasalanan ng isang Pilipino, at nadamay lang tayo? Tayong mga Pilipino ay isang maunawaing tao. Isang halimbawa ng ating pagkaunawa sa mga nagkasala sa atin ay ang pag-lead poisoning at melamine contaminaton na ginawa ng mga Chinese atin. Per.., bakit nga ba hindi tayo na galit sa kanila ng sobrang sobra sa halos daan daang mga tao sa mundo ang namatay at pinahirapan nila at kaagad natin silang napatawad sa lalong madaling panahon? Pero.., sa kaso natin, ba't hindi nila tayo mapatawad sa na walo lang naman yung namatay?
Sabi nila noon, tayong mga Pilipino ay mapagmahal, masipag, matiyaga, maunawain at matulunging tao. Pero ngayon binawai nila sa atin yung ugaling iyon dahil sa nangyaring Hostage Taking sa Maynila. Patunayan natin sa kanila ngayon, na tayong mga Pilipino ay mapagmahal, masipag, matiyaga, at matulunging tao hanggang ngayon.
Mga kababayan ko, hindi pa huli ang lahat. May magagawa pa tayo upang maisalba ang tiwala sa atin ng mga dayuhan. Basta tatandaan lang natin na ang pagiging Pilipino ay isang biyaya ng Diyos sa atin dahil nilikha niya tayong lahat lalong- lalo na ang mga Pilipino dahil alam niya na marunong tayo magpatawad sa mga nagkasala sa atin ay mayoon tayong "Pusong Mamon".
Bago ko po tatapusin ang aking pagtatalumpati, iiwanan ko po kayo ng dalawang salawikain na nagsasabi: "Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay mahigit pa sa mabaho at malansanag isda." Pangalawa, "Ang taong di marunong magmahal sa sariling wika, lumaki sa ibang bansa."
Kaya, kayong lahat na nandito ngayon, hinahamon ko kayo, Pilipino ka ba talaga? Isigaw niyo sa buong mundo na totoong pilipino kayo. Huwag ipagkahiya ang pagiging Pilipino mo. Maging isang mabuting ehemplo sa kapwa. Mahalin at maging tapat sa ating bandila upang mapatunayan natin sa iba na kahit anong isyo ang ibabato sa ating mga Pilipino, hindi pa rin mawawala sa ating puso at isipan ang pgiging tunay na Pilipino.
Salamat!!
No comments:
Post a Comment